Ibinahagi ng Department of the Interior and Local Government ang Seal of Good Local Governance (SGLG) incentive check sa Quezon City Government ngayong araw.
Tinanggap nina Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto ang Php 2-million incentive check mula kay DILG-NCR Assistant Regional Director Atty. Ana Lyn Baltazar-Cortez.
Ang insentibo ay magagamit ng pamahalaang lungsod bilang karagdagang pondo ng mga programa para sa mga mamamayan ng QC.