Personal na pinasalamatan ni Mayor Joy Belmonte ang mga miyembro ng Department of the Interior and Local Government Sub-Regional Assessment Team sa pangunguna ni Ms. Maria Isabel Bunag matapos ang naganap na regional validation activity ng Seal of Good Local Governance (SGLG) sa QC.
Hangad ng alkalde at ng buong pamahalaang lungsod na makamit muli ang SGLG, ito ay isa sa pinakamataas na pagkilala na iginagawad sa mga lokal na pamahalaan pagdating sa mahusay at mabuting pamamahala.
Nakiisa sa regional assessment exit conference si City Administrator Michael Alimurung kasama ang iba’t ibang heads ng mga tanggapan sa QC na sumailalim sa validation.