ISA NA NAMANG PARANGAL PARA SA QUEZON CITY! 🏆

Muling nakatanggap ng Seal of Local Good Governance bilang Distinguished Local Government Unit ang Quezon City mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG).

Ito ay alinsunod sa Republic Act 11292 o ‘The Seal of Good Local Governance Act of 2019’ na nagbibigay pagkilala sa mga Local Government Unit na may maayos at malinis na paggamit ng pondo ng bayan.

Mismong si Mayor Joy Belmonte ang tumanggap ng parangal para sa lungsod na iniabot nina DILG Sec. Benjur Abalos, Assistant Sec. Elizabeth De Leon, Regional Director Maria Lourdes Agustin, at Assistant Regional Director Atty. Ana Lyn Baltazar-Cortez.

Ang seal na ito ay patunay na tapat ang serbisyong alay ng lokal na pamahalaan sa inyo QCitizens!

+9