Kinilala ang mga natatanging indibidwal at organisasyon sa ginanap na Search for Outstanding Volunteers 2022 sa Novotel Manila.
Binigyang-diin ni Mayor Joy Belmonte sa kanyang talumpati ang kahalagahan ng bayanihan at pagtulong sa kapwa lalo na sa panahon ng pangangailangan.
Ang Search for Outstanding Volunteers (SOV) ay ginaganap tuwing buwan ng Disyembre, kung kailan ipinagdiriwang din ang National Volunteer Month (NVM). Layon nitong kilalanin ang mga volunteers na nagpakita ng kanilang galing at kontribusyon para sa mga komunidad sa pamamagitan ng kanilang volunteerism.
Nakiisa sa awarding sina Usec. Carlos Abad Santos ng National Economic Development Authority, Ms. Jenner Edelman, country director ng US Peace Corps, at Mr. Donald James Gawe, executive director ng Philippine National Volunteer Service Coordinating Agency.
Congratulations at mabuhay ang mga natatanging volunteers:
• Marlon Balunsat para sa Individual – Youth Category
• Artemio Andaya Jr. para sa Individual – Adult Category
• Conrado & Ladislawa Alcantara Foundation, Inc. para sa Organization – Non-Profit Category
• Philippine Adventist Medical Aviation Services, Inc. para sa Organization – Non-Profit Category
• Mr. Delivery PH para sa Organization – Corporate Category
• Liga ng mga Barangay of the City Government of Cauayan para sa Special Award for Local Government Units