Dumalo si Mayor Joy Belmonte bilang isa sa mga hurado sa Search for the Happiest Pinoy 2025 ng Cebuana Lhuillier na ginanap sa Makati City.
Kinilala bilang Grand Prize Winner si Zacarias Mansing, na founder ng Books for Kids Project.
Ang Search for the Happiest Pinoy ay bahagi ng kampanya ng Cebuana Lhuillier na layong isulong ang pagiging positibo at matatag ng mga Pilipino sa gitna ng mga hamon sa buhay.
Congratulations po sa lahat ng nagwagi!








