Sinimulan na ng Quezon City government ang pagbibigay ng 2nd booster dose sa mga immunocompromised QCitizen.

Ngayong umaga, mismong si Department of Health (DOH) Sec. Francisco Duque III ang nagturok ng bakuna sa persons living with human immunodeficiency virus (PLHIV) na pasyente sa Klinika Project 7 sa Barangay Veterans Village.

Base sa advisory na inilabas ng DOH, sa ngayon, prayoridad na mabigyan ng 2nd booster shot ang mga residenteng may HIV, immunodeficient, may cancer, tumanggap ng transplant, mga pasyenteng umiinom ng immunosuppresive drug, at pasyenteng bedridden o may malalang karamdaman.

Para sa mga QCitizen na kabilang sa mga prayoridad na mabigyan ng ikalawang booster, maaaring makipag-ugnayan sa pinakamalapit na health center sa inyong lugar: https://quezoncity.gov.ph/…/hospitals-and-health…/

Para sa iba pang detalye tungkol sa 2nd booster, puwedeng basahin ang frequently asked questions dito: https://www.facebook.com/100069139452704/posts/299753465672633/?d=n

Antabayanan ang anunsyo para sa online booking ng 2nd booster sa ating official Facebook page.