Talagang #QCProtekTODO na ‘to! Sa Bakuna at Booster Mas Sigurado dito sa ating lungsod kung saan nagsimula na ang pagbibigay ng second booster shots para sa ating mga healthcare worker.
Kabilang dito ang ilan sa ating healthcare workers mula sa Novaliches District Hospital (NDH), apat na buwan matapos matanggap ang kanilang first booster shot batay sa guidelines na inilabas ng Department of Health (DOH).
Ang second booster shot ay ibinibigay sa mga nabakunahan ng unang booster shot, tatlong buwan o higit pa ang nakalipas para sa immunocompromised individuals, at apat na buwan o higit pa para naman sa nabibilang sa A1 at A2 category.
Magrehistro lang sa QC Vax Easy Plus (https://qceservices.quezoncity.gov.ph/qcvaxeasy) para sa vaccination sites at schedule ng inyong pagbabakuna.







