Nakiisa ang mga estudyante mula sa NU Fairview, Eugenio Lopez Jr. Center for Media Arts Senior High School, at CIIT College of Arts and Technology sa “SeeKyusi: Byaheng Pelikula 2-Day Film Heritage Tour” na pinangunahan ng Quezon City Tourism Department (QCTD), bilang bahagi ng “Bakasyong Sulit: QC Summer Activities for Youth and Children.”
Sa loob ng dalawang araw, binisita ng mga kalahok ang iba-ibang makasaysayang lugar at institusyon sa Quezon City na may malaking ambag sa Philippine cinema upang higit nilang maunawaan ang sining, kultura, at mga kwentong humubog sa industriya ng pelikulang Pilipino.
Kabilang sa kanilang mga pinuntahan ang Las Casas Filipinas de Acuzar QC, CMB Film Services Inc., FPJ Studios, at Quezon Heritage House.
Bilang UNESCO Creative City of Film, patuloy na pinaiigting ng Pamahalaang Lungsod Quezon ang mga programang sumusuporta sa paglinang ng talento at pagkamalikhain ng mga kabataan sa likod man o harap ng kamera.
Para sa iba pang aktibidad ng Quezon City Tourism Department (QCTD), tingnan ang link na ito: https://www.facebook.com/share/p/1CahH2GYDL/










