Inorganisa ng Barangay and Community Relations Department (BCRD) ang “Seminar-workshop for Barangay Council for the Protection of Children (BCPC)” para sa 142 Barangays mula District 1-6 kahapon.
Layon nitong itaas ang kamalayan ng mga Sangguniang Kabataan (SK), mga Kagawad, at mga myembro ng BCPC tungkol sa mga isyu ng karahasan at pangaabuso.
Pinaalala ni Mayor Joy Belmonte sa mga kabataan na huwag matakot magsumbong at mag-report sa kinauukulan kung nakakaranas ng mga ganitong insidente.
Sa anumang uri ng emergency, maaaring tawagan ang QC Hotiline 122 para sa mabilis na aksyon.