Maraming salamat po, Sen. Erwin Tulfo, sa donasyong 1,000 sako ng bigas para sa mga QCitizens na lubhang naapektuhan ng nagdaang bagyo.
Personal na tinanggap ni Mayor Joy Belmonte ang donasyon, kasama si Social Services Development Department (SSDD) head Carol Patalinhug.
Makakaasa ang QCitizens na patuloy ang pagtugon at pagbibigay ng tulong ng pamahalaang lungsod lalo na sa oras ng pangangailangan.




