Dala ang kanyang dalawang Nutri-bus, namahagi si Senator Imee Marcos ng mga pagkain at Arroz caldo sa higit 4,400 pamilyang sinalanta ng Bagyong #CarinaPH at pansamantalang tumutuloy sa evacuation center sa Diosdado P. Macapagal Elementary School (DPMES).
Kasama ring nagbigay ng tulong ang Tingog Party-list, Akay ni Sol Party-list, Rotary District 3780, Sto. Domingo Parish, sina former Coun. Vincent Belmonte, Coun. Irene Belmonte, Coun. Mari Rodriguez, D4 Action Officer Al Flores, DPMES Principal Wilma Obras, Ali Forbes, at D4 Rep. Marvin Rillo.