Bumisita sa Quezon City Hall si Sen. Imee Marcos ngayong umaga.
Malugod siyang sinalubong ng mga kawani ng lokal na pamahalaan, sa pangunguna ni Vice Mayor Gian Sotto, mga konsehal, at department heads.
Sa kanyang mensahe, kinilala ni Sen. Marcos ang Quezon City dahil sa iba-ibang programa ng pamahalaang lungsod para sa mga QCitizen, partikular ang QCity Bus program, at mga inisyatibo para sa kalikasan.
Pinuri niya rin ang lungsod dahil QC lang ang tanging lokal na pamahalaan na mayroong health insurance plan para sa mga kawani.
Nakipagdayalogo rin si Sen. Marcos sa mga barangay official ng QC.