Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Maraming salamat, Senator Kiko Pangilinan sa donasyon ng mga sariwa at masustansyang gulay para sa mga QCitizens.
Tinanggap nina Mayor Joy Belmonte, Konsehal Doray Delarmente, at Ms. Carol Patalinhug ng Social Services Development Department (SSDD) ang mga gulay na ipapamahagi sa mga pamilyang apektado ng bagyo at iba pang nangangailangan.
Ang donasyon ay bilang suporta din sa mga magsasaka mula sa Talavera, Nueva Ecija na siyang pinagmulan ng mga gulay.
Muli, maraming salamat sa inyong pagtugon at pakikiisa sa kapakanan ng bawat QCitizen.








