Bilang isa sa mga tagapagtaguyod ng inclusivity at equality, nagsilbing panauhing tagapagsalita si Sen. Risa Hontiveros sa ginanap na flag-raising ceremony sa Quezon City Hall.
Sa kanyang talumpati, pinasalamatan niya ang Quezon City sa pangunguna sa pagsulong ng karapatan ng mga kababaihan, at pagkakapantay-pantay sa lipunan lalo na sa mga miyembro ng LGBTQIA+ community.
Ibinahagi rin ng mambabatas ang ilan sa mga isinusulong niya sa Senado, na nakatuon sa kapakanan ng mga kabataan, kababaihan, at mga mamamayang lubos na nangangailangan.
Malugod siyang sinalubong ng mga opisyal at kawani ng lungsod, sa pangunguna nina Mayor Joy Belmonte, Vice Mayor Gian Sotto, QC Council Majority Floor Leader Coun. Aly Medalla, Coun. Joseph Juico, Coun. Cocoy Medina, at mga department head.










