Nagdaos ng meet-and-greet si Sen. Imee Marcos kasama ang mga organisasyon ng kababaihan sa Quezon City bilang bahagi ng selebrasyon ng National Women’s Month.
Nagpaabot naman ng pasasalamat si Mayor Joy Belmonte para sa suporta na inilaan ng senadora para sa mga mamamayan ng lungsod.
Nakiisa sa pagbisita si Barangay and Community Relations Department head Ricky Corpuz at ilan pang kawani na bumubuo ng BCRD.




