Ginanap ang send-off ceremony ng 23,000 Philippine National Police (PNP) sa Camp Karingal para sa State of the Nation Address (SONA) 2024 sa Lunes.
Dumalo rito si Assistant City Administrator (ACA) for Operations Alberto Kimpo bilang kinatawan ni Mayor Joy Belmonte.
Pinaalala ni ACA Kimpo na kalakip ng pagpapanatili ng kapayapaan ang pag-obserba sa human rights sa darating na SONA.
Nakiisa rin sa send-off sina NCRPO Regional Director Gen. Jose Melencio Nartatez, Jr., QCPD District Director Redrigo Maranan, Department of Public Order and Safety head Elmo San Diego, at Traffic and Transport Management Department head Dexter Cardenas.