Nakiisa sina Mayor Joy Belmonte at District 6 Rep. Marivic Co-Pilar sa ginanap na Grand Thanksgiving ng Senior Citizens Partylist sa pangunguna ni Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanes sa Amoranto Sports Complex ngayong araw.
Ibinida ni Mayor Joy ang mga programa ng pamahalaang lungsod para sa mga senior citizens tulad ng social welfare assistance program, free maintenance medicines, centenarian recognition, at iba pa.
Nakatanggap din ng kanilang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga lolo at lola mula sa iba-ibang lungsod. Mayroon din libreng champorado at medical mission para sa sa mga seniors na naki-celebrate kasama ang mga medical professionals ng Philippine Association of Medical Technologists, Inc. at Vista Care.
Kasabay nito, ipinagdiriwang din ang ika-70 taon kaarawan ni Rep. Ordanes. Mabuhay ang ating mga senior citizens!