Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
HAPPY SENIOR CITIZEN’S WEEK, QC! ![]()
![]()
Daan-daang Senior QCitizens ang nakiisa sa culminating activity bilang pagdiriwang ng Senior Citizen’s Week na pinangunahan ng Office for the Senior Citizen’s Affairs sa Quezon Memorial Circle (QMC).
Matapos ang sabay-sabay na pag-indak at ehersisyo sa zumba at tai chi, agad na bumisita ang mga dumalo sa apat na museo sa loob ng QMC.
Dala ang kani-kanilang QC Explorer Passport, nagtungo sila sa Quezon Memorial Shrine, Quezon Heritage House, Presidential Car Museum, at Bahay Modernismo.
Nakatanggap ng bigas, grocery pack, at hot meals ang mga nakakumpleto sa mga museo.










