Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Dumalo ang mga Senior QCitizen at mga caregiver sa idinaos na magkasunod na seminar patungkol sa Mental Health at emergency safety training na bahagi ng selebrasyon ng Senior Citizen’s Week sa Lungsod Quezon.
Pinangasiwaan ng Office for the Senior Citizen’s Affairs ang aktibidad na layong mapalawak ang kaalaman ng mga senior citizens sa kanilang karapatan, benepisyo, at kahandaan tuwing may sakuna at anumang emergency situations.
Sa unang bahagi, nagsilbing speakers sa programa ang mga kinatawan mula sa National Center for Mental Health, National Commission of Senior Citizens, PHILVOCS, at Disaster Risk Reduction and Management Office.
Nakatanggap din ang mga dumalo ng Go Box at grocery package mula sa OSCA.










