Pinangunahan nina Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto ang seremonya ng pagtataas ng Pambansang Watawat ngayong araw.
Bilang bahagi ng programa, pinarangalan ng QC Human Resource Management Department, ang mga natatanging kawani na nagpakita ng dedikasyon sa pagpapaunlad at patuloy na paghubog ng kanilang kakayahan.
Kabilang din sa ginawaran ng pagkilala ang mga kawani na nakapaglingkod nang 20 taon o higit pa.




