Patuloy ang pag-arangkada ng services caravan upang ihatid ang mga programa at serbisyo ng lokal na pamahalaan sa iba-ibang distrito sa lungsod.
Kahapon, October 13, ay dinala ng District 6 Action Center ang caravan sa Brgy. Baesa kung saan muling nakatanggap ang QCitizens ng mga serbisyo tulad ng QCitizen ID, medical services, COVID-19 vaccination, animal care services at assistance mula sa iba-ibang programa ng lungsod.
Para sa mga susunod pang pag-iikot ng services caravan sa District 6, sundan lamang ang Aksyon Opis Distrito Sais Facebook page.