Dumalo si Mayor Joy Belmonte sa colloquium ng “Setting the Stage for Sustainability: An Environmental Impact Baseline Study of QCinema International Film Festival.”

Pinag-usapan dito ang epekto ng QCinema Festival sa kapaligiran o kung gaano karaming carbon emission ang resulta nito at paano ito mabibigyan ng solusyon.

Nais ng lokal na pamahalaan na maging daan ang research upang mabawasan ang carbon footprint ng mga programa ng lungsod, katulad na lamang ng QCinema.

Ang pag-aaral na ito ay hango sa sustainability initiatives na ginagawa sa Cannes Film Festival ng France at Toronto Film Festival ng Canada.

Isa ang Quezon City sa anim na lungsod sa Pilipinas na mayroong programa upang tugunan ang problema sa climate change.

Maraming salamat, Dr. Michael Kho Lim, Dr. Katrina Ross Tan at Mr. Eduardo Firmo sa inyong pananaliksik. Ito ay malaking tulong sa lungsod at sa QCinema International Film Festival.

+8