Pumirma si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa “Sevilla Declaration on the Centrality of Communities
in Urban HIV, TB, and Viral Hepatitis Responses.”
Kasama ang iba pang mga lokal na pamahalaan sa buong mundo, nakikiisa ang Quezon City government sa pandaigdigang layunin na wakasan ang HIV, tuberculosis at viral hepatitis pagdating ng 2030, at sisikapin ng lokal na pamahalaan na gawin ang lahat ng hakbang para matupad ito. Kabilang dito ang paglalaan ng pondo, suporta ng city council at paghimok sa mga komunidad na aktibong makilahok sa mga programang susugpo sa HIV, TB at viral hepatitis.
Bahagi nito ang pagtiyak na sa pagtupad ng tungkulin ng lokal na pamahalaan ay palaging uunahin ang QCitizens, isusulong ang karapatan ng marginalized sectors, at tiyaking natutugunan ang mga pangangailangan ng mga komunidad pagdating sa usapin ng kalusugan.







