Inclusive Employment, posible!
Pormal nang na-deploy ang dalawang Persons with Disability (PWD) sa dalawang branches ng Shakey’s sa Quezon City bilang bahagi ng pilot implementation ng kasunduan sa pagitan ng Quezon City Government at Shakey’s Pizza Asia Ventures, Inc.
Layunin ng programang ito na bigyan ng oportunidad sa trabaho ang mga PWD sa pamamagitan ng inklusibong pakikipag-ugnayan sa pribadong sektor.
Nagsimula ang partnership noong May 19, 2025, sa pamamagitan ng isang Memorandum of Agreement na nilagdaan ng Quezon City Government at Shakey’s Pizza Asia Ventures, Inc.
Ang hakbang na ito ay patunay ng pangako ng lungsod sa pagtataguyod ng pantay at makataong oportunidad sa trabaho para sa lahat ng QCitizens.




