Simula na ng kauna-unahang professional billiards league sa Pilipinas!

Sa Draft Pick event ng Sharks Basketball Association (SBA) ngayong araw, pinakilala na ang apat na koponan na maglalaban-laban sa liga: ang Quezon City Dragons, Manila MSW Mavericks, Taguig Stallions, at Negros Occidental Pillars.

Dalawampung natatanging pool players ang napili sa limang draft pick rounds. Kada team ay may limang manlalaro na sasalang sa singles, doubles, at 5-on-5 competition.

Naging kinatawan ni Mayor Joy Belmonte sa programa si Mr. Ray Alimurung. Present sa event sina SBA Founder and CEO Hadley Mariano, COO Mark Orendain, at Managing Director George Ho.

Nagbigay din ng suporta sa mga player ang pool legends na sina Efren “Bata” Reyes at Francisco “Django” Bustamante.

+21