Hinikayat ni Mayor Joy Belmonte ang mga student journalist na makiisa sa hangarin na isulong ang pagkakapantay-pantay, sa isinagawang “Female Voices in Stories, Media, and Public Policy” forum ng She Talks Asia sa Quezon City University.

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Mayor Joy na malaki ang papel ng media sa pagtataguyod ng karapatan ng kababaihan at gender equality. Malaki ang epekto ng media sa kung paano tingnan ng isang babae ang kanyang sarili at kakayahan. Kaya dapat tiyakin na walang kinikilingan at empowering ito sa mga kababaihan.

Ayon pa sa alkalde, napakahalaga ng pagtitiyak at pagdadagdag ng women’s participation at representation sa media para maging epektibong instrumento sa pagsusulong ng pagkakapantay-pantay.

Kasama rin ni Mayor Joy na nagbahagi ng kanilang kuwento at pinagdaanan bilang babae sina British Ambassador to the Philippines HE Laure Beaufils at news anchor na si Karen Davila.

Nagsimula noong 2017, ang She Talks Asia ay naglalayong magbahagi ng kwento ng mga kababaihan para maisulong adbokasiya para sa mga kababaihan at pagkakapantay-pantay. Binuo ito nina Lynn Pinugu, Bianca Gonzales, at Iza Calzado.

+23