Aabot sa 567 QCitizen ang nabigyan muli ng karagdagang puhunan sa ilalim ng Small Income Generating Assistance Program ng Quezon City Government, sa pangunguna ng Social Services Development Department.
Mismong si Mayor Joy Belmonte ang nagbigay ng P5,000 capital assistance sa mga benepisyaryo, kabilang ang mga maliliit na negosyante, solo parent, persons with disability, at persons deprive of liberty.
Para sa mga nais maging bahagi ng programa, maaaring mag-apply sa QC E-Services portal ng Quezon City Government website.