Aabot sa 320 small business owners mula Districts 1 to 6 ang nakatanggap ng karagdagang puhunan mula sa pamahalaang lungsod, sa tulong ng Small Income Generating Assistance (SIGA) Capital Assistance program.
Mismong si Mayor Joy Belmonte ang nagbigay ng P5,000 tulong-pangkabuhayan sa mga benepisyaryo, na sumailalim muna sa masusing verification process ng Social Services Development Department (SSDD).
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Mayor Joy na mas ibinaba na ng Quezon City government ang mga serbisyo nito sa mga QCitizen para mas marami ang matulungan, sa tulong ng buwis mula sa mga mamamayan.
Sa mga nais maging bahagi ng programang ito, maaaring makipag-ugnayan sa Vocational Development Division ng Social Services Development Department sa 8703-3576.

















