805 negosyanteng QCitizen ang nabigyan ng puhunan sa ilalim ng Small Income Generating Assistance Program ng Quezon City Government, sa pangunguna ng Social Services Development Department (SSDD).
Mismong si Mayor Joy Belmonte ang nagbigay ng P5,000 capital assistance sa mga benepisyaryo, kabilang ang mga maliliit na negosyante, solo parent, persons with disability, at persons deprived of liberty.
Nakatanggap din ng puhunan ang Gratia Plena Candles at Needlework SIGAP Group sa tulong naman ng Sikap at Galing Pangkabuhayan (SIGAP) ng SSDD.
Para sa mga nais maging bahagi ng programa, maaaring mag-apply sa QC E-Services portal ng Quezon City Government website: https://qceservices.quezoncity.gov.ph/