PABAHAY SA QC, MAY KATUPARAN! ![]()
Ganap nang may katiyakan sa paninirahan sa Lungsod Quezon ang 744 pamilyang QCitizens matapos pangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang Deed of Absolute Sale Signing kasama ang mga land owners ngayong Sabado.
Higit sa 29,600 sqm na lupain ang bibilhin ng lokal na pamahalaan sa mga barangay ng Payatas, Matandang Balara, Gulod, Novaliches, Pasong Tamo, at Culiat.
Ayon sa alkalde, sa tulong ng programa ng Housing Community Development And Resettlement Department (HCDRD) ay nabibigyang katuparan ang mithiin ng bawat QCitizens na magkaroon ng kanilang sariling tahanan sa lungsod.
Dumalo rin ang mga land owners na sina Susan Syquia, Franklin Ligan, Carlos Lintag, at mag-asawang sina Rolando Peña at Daisy Peña, kasama ang mga kinatawan ng Marciano Angeles & Sons, Inc., at Agassee Properties and Holding Corp.
Nakiisa sa programa sina District 3 Rep. Franz Pumaren, Councilors Atty. Vincent Belmonte, Luigi Pumaren, Atty. Bong Liban, at Vic Bernardo kasama sina Chief of Staff Rowena Macatao, HCDRD head Atty. Jojo Conejero, at District Action Officers na sina Atty. Bong Teodoro, William Bawag, at Atty. Mark Aldave.










