Hangad ng lungsod ang masustansiyang pagkain para sa QCitizens.

Pormal nang nilagdaan ng Quezon City Government at Consultative Group on International Agricultural Research (CGIAR) ang “Memorandum of Agreement for CGIAR Resilient Cities Through Sustainable Urban and Peri-Urban Agrifood Systems.”

Ang CGIAR ay isang global research group na nakatuon sa pagkamit ng food security ng iba-ibang bansa.

Layon ng kanilang pakikipagtulungan sa QC na makagawa ng mga pananaliksik para mapalago ang mga produktong gulay sa urban farms ng Quezon City.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 750+ urban farms at 18,000 farmers ang Quezon City.

Ang MOA ay nilagdaan nina Mayor Joy Belmonte, Market Development and Administrator Department Officer-In-Charge Margie Santos, Joy of Urban Farming Program Officer Christina Perez, QC Food Security Task Force Co-chairperson Emmanuel Velasco II, World Vegetable Center Dr. Pepijn Schreinemachers, CGIAR Senior Adviser Dr. Gordon Prain, at CGIAR Focal Person (Philippines) Arma Bertuso.

+6