Mas papalakasin pa ng Quezon City Government ang digitalization efforts ng lungsod nang pormal na makipagkasundo sa Microsoft Philippines.

Ngayong hapon, pumirma sa Memorandum of Understanding si Mayor Joy Belmonte, City Administrator Mike Alimurung, Microsoft Philippines Director for Public Sector Business Joanna Rodriguez at Senior Account Executive Karen Cafe.

Nakasaad sa MOU na handang sumuporta ang Microsoft sa Quezon City government sa iba-ibang digital processes ng lungsod, partikular sa Smart Innovation, Smart Education at Digital Skilling para sa QC officials at employees.

Magkakaroon din ng access sa Microsoft Educator Center ang mga guro upang mas mahasa pa ang kanilang kasanayan sa pagtuturo gamit ang digital tools.

+13