Nilagdaan ni Mayor Joy Belmonte ang urban declaration bilang tanda ng pakikiisa ng lungsod sa Cities for Better Health program ng Embassy of Denmark at Novo Nordisk Pharmaceuticals.
Kabilang sa mga lumagda sina Ambassador Franz-Michael Skjold Mellbin ng Embassy of Denmark at Ms. Wei Sun, VP and General Manager ng Novo Nordisk Philippines.
Layon ng programa na tutukan ang mga kaso ng non-communicable diseases tulad ng diabetes at obesity, at isulong ang mga polisiya na nakatuon sa kalusugan ng QCitizens.
Saksi sa paglagda ng kasunduan sina City Health Department OIC Dr. Ramona Abarquez, Majority Floor Leader Doray Delarmente, Schools Division Superintendent Carleen Sedilla, at Education Affairs Unit head Maricris Veloso.