TUGON SA MALILIIT NA NEGOSYO!
Personal na ipinamahagi ni Mayor Joy Belmonte sa 410 small business owners ang P5,000 Small Income Generating Assistance ng Social Services Development Department.
Sa ilalim ng programang Sikap at Galing Pangkabuhayan program, nakatanggap ng P100,000 ang Villaverde Food Forest Farm at P62,000 naman ang para sa Gurl’s Power Salon.
Ang mga programang ito ay layong bigyan ng dagdag pangkapital at trainings ang mga maliliit na negosyo ng QCitizens.
Binigyang-diin ng Alkalde na tuloy-tuloy ang suportang ibibigay ng lokal na pamahalaan sa mga maliliit na negosyo dahil sila ang dahilan ng patuloy na kaunlaran ng Lungsod Quezon.