Nabigyan ng puhunan ang tatlong grupo ng mga QCitizen entrepreneur, sa ilalim ng Sikap at Galing Pangkabuhayan (SIGAP) program ng lokal na pamahalaan.
Kabilang sa mga nabigyan ay ang grupo ng palero mula sa Barangay Payatas, mga welder mula sa Barangay Libis, at mga kababaihan mula Barangay Pasong Tamo.
Bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng livelihood assistance na gagamitin nila sa pagpapalago ng kanilang negosyo.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Joy Belmonte na prayoridad ng lokal na pamahalaan ang pagbibigay ng oportunidad at suporta sa mga maliliit na negosyante.
Nabigyan din ang 100 QCitizen mula sa District 6 ng P5,000 puhunan sa tulong ng Small Income Generating Assistance (SIGA) program, sa pakikipagtulungan sa opisina ni Coun. Vito Sotto Generoso.