SILVER JUBILEE NG DIOCESE OF NOVALICHES! ![]()
![]()
Nakiisa si Mayor Joy Belmonte sa ribbon-cutting at pagbubukas ng Museo Diocesano de Novaliches para sa Silver Jubilee o ang ika-25 anibersaryo ng diyosesis.
Kasama si William Bawag District 5 Action Officer, Most Rev. Roberto Gaa, Most Rev. Teodoro Bacani Jr., Most Rev. Antonio Tobias, at si Dr. Joseph Renta, ang curator ng museo, sa pormal na pagbubukas ng museo.
Nakatanghal dito ang iba’t ibang religious at historical artifacts, pre-colonial Filipino items, pati na rin paintings, at sculptures.
Layunin nitong pagyamanin ang historical consciousness ng mga QCitizens ukol sa mahabang kasaysayan ng Novaliches upang mas maunawaan ng mga residente ng pinagmulan at pag-unlad ng kanilang komunidad.
Maligayang Pagbati sa Diocese of Novaliches!










