TINGNAN: Nagsagawa ng Nationwide Simultaneous Tree Planting Activity sa Lamesa Watershed Nursery sa Brgy. Greater Lagro ang ilang volunteer at kawani mula sa iba-ibang tanggapan ng gobyerno.

Layunin ng programa na ipakita ang kahalagahan ng pangangalaga sa ating mga kagubatan at kalikasan sa pamamagitan ng pagtatanim ng puno.

Pinangunahan ng Department of the Interior and Local Government-NCR, Department of Environment and Natural Resources – NCR, at Department of Agriculture ang nasabing aktibidad.

Nagbigay din ng suporta ang lokal na pamahalaan na isa rin sa nagsusulong ng mga programa at adbokasiya na tumututok sa pangangalaga ng kalikasan.