Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nakiisa si Mayor Joy Belmonte kahapon sa pagbibigay-pugay ng Singapore Embassy in the Philippines kay Cardinal Orlando Quevedo, Archbishop Emeritus ng Cotabato, at recipient ng 2026 Harmony in Diversity Award mula sa Temasek Foundation at 5G Global.
Nagsilbing bahagi ng panel of judges si Mayor Joy sa nasabing parangal, na kumikilala sa mga natatanging indibidwal na malawak ang naging kontribusyon sa pagsusulong ng kapayapaan sa Southeast Asia.
Pinangunahan ni Singapore Ambassador Constance See ang nasabing gabi ng pagkilala, na dinaluhan rin ng mga miyembro ng diplomatic corps at mga kinatawan ng pamahalaan at civil society groups.










