π·ππππππππ π΄πππ ππ π²ππππππ
ππ
, π»ππππ ππ π°ππππππππ ![]()
Naging masaya at makabuluhan ang pagbisita ng mga mag-aaral mula sa Singapore University of Social Sciences (SUSS) Short-term Immersion Program sa QC Kabahagi Center, sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng Ateneo de Manila University Department of Development Studies at ng Lungsod Quezon.
Sa kanilang pagbisita, nakilala nila ang Kabahagi Center, mga programa at serbisyo nito, at ang iba’t ibang paraan kung paano binibigyang suporta ang mga batang may kapansanan at kanilang mga pamilya.
Nagkaroon din ng pagkakataon ang mga estudyante na makipagkuwentuhan at makilahok sa mga talakayan kasama ang ilan sa mga staff at parent advocates.
Sa pamamagitan ng mga kuwentong ibinahagi, mas lalo nilang naunawaan ang mga karanasan, hamon, at tagumpay ng mga pamilyang may batang may kapansanan, pati na rin ang mga hakbang na ginagawa ng lungsod upang maisulong ang mas inklusibong komunidad.
Maraming salamat sa pagbista ng SUSS at sa interes na matuto mula sa ating Kabahagi Center!










