Nakiisa ang mga QC Sangguniang Kabataan officials ng District 4 at 6 sa ginanap na Siyasat Kabataan: Media Literacy Workshop na pinangunahan ng Public Affairs and Information Services Department.
Nagsilbing resource speakers ang mga kinatawan mula sa ABS-CBN citizen journalism arm, “Bayan Mo, iPatrol Mo” na sina Ms. Dabet Panelo at Patrol ng Pilipino team lead Mr. Anjo Bagaoisan.
Tinalakay din ni veteran photojournalist at kasalukuyang QC Photographers Guild president Mr. Romeo Mariano ang ilang tips sa tamang pagkuha ng litrato.
Layon ng aktibidad na isulong ang responsableng paggamit ng social media at fact checking.
Katuwang din sa proyekto ang Barangay and Community Relations Department at SK Federation sa pangunguna ni Coun. Sami Neri.
Buo naman ang suporta nina Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto sa layunin ng pamahalaang lungsod na palaganapin pa ang aktibong partisipasyon ng mga barangay at QCitizens sa responsableng pagbabahagi ng impormasyon.