Lumahok ang mga QC Sangguniang Kabataan officials at Youth Organizations ng District 3 at 5 sa ginanap na Siyasat Kabataan: Media Literacy Workshop na pinangunahan ng Public Affairs and Information Services Department.
Nagsilbing resource speakers ang mga kinatawan mula sa ABS-CBN citizen journalism arm, “Bayan Mo, iPatrol Mo” na sina Ms. Dabet Panelo at Patrol ng Pilipino team lead Mr. Anjo Bagaoisan.
Tinuruan naman ni Mr. Romeo Mariano ng QC Photographers Guild ang mga kabataan ukol sa techniques sa pagkuha ng litrato.
Ang proyekto ay isinagawa upang isulong ang responsableng paggamit ng social media at fact checking.
Katuwang sa proyekto ang Barangay and Community Relations Department at SK Federation sa pangunguna ni Coun. Sami Neri.
Buo ang suporta nina Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto sa mga programa na magsusulong ng aktibong partisipasyon ng QCitizens.