Nagdaos ng General Assembly ang Quezon City SK Federation sa pangunguna ni SK President Coun. Julian Trono.
Nagbigay ng mensahe si Vice Mayor Gian Sotto sa mga SK chairperson at binigyang-diin ang kahalagahan ng kanilang pagkakaisa para mabigyan ng de-kalidad na programa ang kanilang nasasakupan.
Dumalo rin sa assembly sina DILG QC Director Emmanuel Borromeo, Atty. Reymond Alcantara, at National Youth Commission Asec. Laurence Diestro.