Sinubukan ng 11-year-old Filipina skateboarder na si Mazel Paris Alegado ang ginagawang skate park sa Quezon Memorial Circle (QMC).
Sinamahan siya ni City Administrator Michael Alimurung, Robbie de Vera ng QC Sports at Carl Sambrano, Pangulo ng Skate Philippines.
Nagsanay si Mazel sa skate ramps at ipinakita ang kaniyang iba-ibang skateboarding tricks.
Kamakailan lang, nasungkit ni Mazel ang kampeonato sa 2025 Exposure Skate Women’s Bowl Open Pro Finals sa California, matapos talunin ang 35 sa pinakamahuhusay na skaters sa mundo.
Sa ngayon ay HINDI pa bukas ang skate park sa QMC. Abangan ang anunsyo sa opisyal na pagbubukas nito sa publiko.







