Mga Skilled Worker ng Quezon City Department of Engineering, Pinalakas Tungo sa TESDA Certification

Matagumpay na inilunsad ang Quezon City Department of Engineering Skilled Workers TESDA Certification Program. Ito ay sa pangunguna nina Engineer Atty. Dale Perral at Acting Administrative Division Chief, Mr. John Paulo B. Fondevilla, CPA.

Layon ng programa na pormal na kilalanin ang skills ng mga manggagawa sa konstruksyon, maintenance, at rehabilitasyon ng mga imprastraktura sa lungsod.

Sa tulong ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), sa pamamagitan ng Quezon City Training and Assessment Centers (QCTAC), isinagawa ang Pre-Assessment Skills Training para sa Shielded Metal Arc Welding (SMAW) NC I at NC II noong Marso 15-16, 2025, sa Equipment Repair and Maintenance Division, Barangay East Fairview, Quezon City.

Kasama sa pagtutok at pagsuporta sa programang ito sina Ms. Carmel C. Tordesillas, LPT, RPM, Supervising Administrative Officer ng QCTAC, at Mr. Amormeo A. Lisondra, Project Development Officer ng QC Public Employment Service Office (PESO), na nagbigay ng mga hands-on na aktwal na training sa mga kalahok.

Malaking hakbang ito upang matulungan ang ating mga skilled worker na makuha ang National Certification mula sa TESDA.

Makakatulong din ito para mabuksan ang mas marami pang oportunidad ang maging matagumpay ang tatlumpu’t siyam (39) na kalahok sa kanilang mga trabaho.

+33