Nagsagawa ng 2-day training ang Quezon City Department of Engineering (QCDE) para sa kanilang 27 kawani na layong mapalawig pa ang kaalaman sa Electrical Installation and Maintenance NC II sa ilalim ng QCDE Skilled Workers TESDA Certification Program.
Katuwang ng QCDE ang QC Training and Assessment Center (QCTAC), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), at TESDA QC Lingkod Bayan Skills Development Center.
Bahagi ng kanilang mga inaral ang electrical installation at maintenance, roughing-in activities, wiring, at cabling works.
Kasama rin ang pag-install ng electrical protective devices at mga paraan para sa mas maayos na pagsasagawa ng wiring devices sa floor and wall mounted outlets.
Nagsilbing trainers mula sa TESDA sina Engr. Roland P. Butad, Leoncio A. Sarmiento, Jr., at Edmar Jay O. Blanco.




