HAPPY WOMEN’S MONTH, SUPERMOMS! 🦸♀️🍼
Bilang parte ng Women’s Month Celebration, nakibahagi ang breastfeeding moms sa ginanap na mass milk-letting activity ngayong araw sa SM Fairview.
Nagkaroon din ng lectures tungkol sa kahalagahan ng tamang nutrisyon at pag-breastfeed, at cooking demo para sa masustasyang pagkain ng mga nanay.
Layon ng aktibidad na palawakin pa ang network of lactating mothers sa lungsod, sa pagtutulungan ng Quezon City Human Milk Bank at SM Cares.
Nakiisa sa programa sina Quezon City General Hospital Assistant Director for Professional Services Dr. Amelita Guzon, QCHMB head Dr. Lesley Villanos, SM Supermalls Senior Assistant VP for Corporate Compliance Atty. Pearly Joan Turley, at mga kawani ng QCHMB, QCGH, SM Cares, SM Fairview at Bgys. Greater Lagro at Pasong Putik.










