Congratulations sa 1,314 QCitizens na nakatanggap ng P5,000 tulong-pangkabuhayan mula sa pamahalaang lungsod, sa ilalim ng Small Income Generating Assistance (SIGA) program.
Mismong si Mayor Joy Belmonte ang nag-abot ng financial aid sa mga benepisyaryo mula sa anim na distrito ng lungsod.
Nakapagbigay din ang QC ng pampuhunan sa siyam na grupo ng entrepreneur sa tulong ng Sikap at Galing Pangkabuhayan (SIGAP) program. Bago makatanggap ng puhunan, sumailalim muna sila sa skills training ng Social Services Development Department (SSDD).




