Congratulations sa 524 QCitizen nano and micro business owners na nabigyan ng karagdagang puhunan mula sa Small Income Generating Assistance (SIGA).

Pinangunahan ng Social Services Development Department (SSDD) ang pamamahagi ng P5,000 livelihood assistance sa mga residente mula sa iba-ibang distrito.

Bago bigyan ng karagdagang puhunan, sumailalim muna ang mga benepisyaryo sa mga training at orientation tungkol sa masinop na pagnenegosyo.