Mahigit sa 500 QCpreneurs ang nakatanggap ng dagdag puhunan sa tulong ng Small Income Generating Assistance (SIGA) at Sikap at Galing Pangkabuhayan (SIGAP) Program ng Social Services Development Department.
Nanguna sina Mayor Joy Belmonte at SSDD head Carol Patalinghog sa pamamahagi ng livelihood assistance mula sa lokal na pamahalaan.
Hangad ng pamahalaang lungsod na lumago at magtagumpay ang munting negosyo ng mga QCitizens na naging benepisyaryo ng programa.
Para sa mga katanungan ukol sa programa, maaaring makipag-ugnayan sa SSDD sa mga numerong: 8710-1350 / 8703-6803.




