Patuloy na nakasuporta ang lokal na pamahalaan sa mga maliliit na negosyante sa Quezon City!

Kahapon, aabot sa 373 QCitizens ang nakatanggap ng karagdagang puhunan para sa kanilang negosyo sa ilalim ng Small Income Generating Assistance (SIGA) program.

May mga seminar at workshop din na maaari nilang salihan para madagdagan pa ang kanilang kaalaman sa pagnenegosyo, tulad ng financial literacy training at kung paano pa mas mapapalago ang kanilang business.

+7